Gumawa ng ulat sa Dayuhang Panunuhol

Magsalita, Gumawa ng Pagkakaiba

Gumawa ng ulat ng dayuhang panunuhol ngayon

Ano ang Dayuhang Panunuhol?

Ang dayuhang panunuhol ay nangyayari kapag ang isang tao o negosyo ay nag-aalok, nagbibigay o nangangakong magbibigay ng suhol sa kaninumang tao upang ma-impluwensiyahan ang isang dayuhang opisyal ng publiko kaugnay sa pagtupad sa kanilang opisyal na tungkulin. 

Gumawa ng ulat kahit na hindi ka sigurado kung ang impormasyong mayroon ka ay may kaugnayan sa dayuhang panunuhol.  Ang iyong impormasyon ay maaaring malaki ang kabuluhan sa SFO.

Ang dayuhang panunuhol ay nangyayari kapag ang mga opisyal ng publiko sa New Zealand ay inaalok, binibigyan o pinangangakuan ng suhol ng mga dayuhang tao.  Ang suhol ay sinadya upang makuha o mapanatili ang negosyo o para kumuha ng hindi patas na bentahe sa negosyo.  Ang suhol ay maaaring salapi o anumang bagay na mahalaga, kabilang ang magarbong pag-aasikaso, trabaho, paglalakbay, mga regalo o iba pang mga benepisyong nakalaan para ma-impluwensiyahan ang mga desisyon o mga aksyon. 

Isang krimen ang manuhol o magtangkang manuhol sa isang dayuhang opisyal ng publiko. Isang krimen din para sa mga opisyal ng publiko sa New Zealand ang humingi o tumanggap ng suhol mula sa mga dayuhang tao.  Ang mga kumpanya o indibidwal na nasangkot sa dayuhang panunuhol ay mahaharap sa mabigat na parusa, kabilang ang malakihang multa at pagkakakulong.

Maaaring mangyari rin ang panunuhol sa konteksto ng mga pribadong internasyonal na transaksyong pang-negosyo kung saan walang kasangkot na opisyal ng publiko.  Ang panunuhol sa pribadong sektor ay isang krimen sa New Zealand at sa ibang mga bansa.

Kung paano mag-ulat ng dayuhang panunuhol

Ang SFO ay naghahanap ng impormasyon tungkol sa anumang pinaghihinalaang kaso ng dayuhang panunuhol, na kinasasangkutan ng mga opisyal ng publiko o sa pagitan ng mga pribadong organisasyon.

Kung naghihinala ka na may dayuhang panunuhol, maaari kang gumawa ng ulat na kumpidensyal sa pamamagitan ng anonymous (di-kilala) reporting tool ng SFO. 

Ang pag-uulat ay simple sa easy-to-use tool na ito, na papayagan kang gumawa ng ulat nang hindi mo kailangang magbigay ng iyong personal na impormasyon.